Ipinahayag kamakailan ni Ginoong Xu Peixiang, Pangalawang Puno ng Chinese Service Center for Scholarly Exchange(CSCSE) sa ika-13 Eksibisyon sa Pag-aaral ng mga Estudyanteng Indonesian sa Tsina, na idinaos Jakarta, kabisera ng Indonesia, na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling masigla ang pagpapalitan ng mga tauhan sa pagitan ng Tsina at Indonesia.
Inilahad ni Xu, na umabot sa 63.9 libo ang bilang ng mga estudyanteng Indonesian na nag-aral sa Tsina, mula noong 2011 hanggang 2015. Aniya, ibayong lalawak at magiging mas mabunga ang pagpapalitang pang-edukasyon ng Tsina at Indonesia sa hinaharap, batay sa magkasamang pagsuporta ng mga pamahalaan ng dalawang bansa, at pagsisikap mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan nito.