Ayon sa ulat kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Myanmar, dahil sa kasalukuyang maigiting na kalagayan sa hilagang bahagi ng bansang ito, ipagpapaliban ang ika-16 na perya ng kalakalang panghanggahan ng Tsina at Myanmar, na nakatakdang idaos mula ika-14 hanggang ika-16 ng buwang ito sa Muse, lunsod ng Shan State sa hilagang Myanmar.
Ang naturang perya ay isang taunang aktibidad na pangkalakalan sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar. Simula noong 2001, salit-salit na idinaraos ito sa dalawang bansa.
Salin: Liu Kai