|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Kambodya—Binuksan dito Huwebes, Disyembre 1, 2016 ang porum ng mga mangangalakal ng Kambodya at Tsina, at porum hinggil sa pag-unlad ng pinansya. Ang nasabing mga porum ay naglalayong hanapin ang pagkakataong komersyal ng Kambodya, sa ilalim ng "Belt and Road" initiative.
Nagtalumpati sa porum si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Ipinahayag ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya na handang handa na ang kanyang bansa, para mapasulong ang pagpapatupad ng estratehiya ng "Belt and Road." Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng porum na ito, mapapatibay at mapapalalim ang kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa pamumuhunang komersyal at iba pang larangan.
Si Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya.
Sinabi naman ni Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, na nananalig siyang ang pagdaraos ng kasalukuyang porum ay tiyak na magpapasulong sa pagbibigay-pansin at pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Kambodya. Ito rin aniya ay magpapasigla sa bagong lakas-panulak para sa pagpapabilis ng pag-unlad ng kabuhayang Kambodyano.
Nang araw ring iyon, magkasamang sumaksi sina Hun Sen at Xiong sa paglagda ng memorandum ng estratehikong kooperasyon ng "lunsod ng pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya" at "pondo ng pamumuhunang industriyal ng Belt and Road," dalawang mahalagang bilateral na proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |