Ipinalabas kamakailan ng Kagawaran ng Turismo (DOT) ng Pilipinas ang plano hinggil sa pagpapaunlad ng cruise tourism, para ito ay maging destinasyon ng mga luxury cruise liner.
Sinabi ni Rolando Cañizal, Pangalawang Kalihim ng Turismo, na noong isang taon, halos 70 libong turista sa Pilipinas ang galing sa mga cruise liner. Umaasa aniya ang DOT na aabot sa 500 libo ang bilang na ito sa taong 2022.
Ani Cañizal, para isakatuparan ang target na ito, ginagawa ng DOT ang pambansang estratehiya ng pagpapaunlad ng cruise tourism. Ayon sa plano, ang Manila, Boracay, Palawan, Ilocos, Cagayan, at Batanes ay magiging mga pangunahing lugar para sa cruise tourism.
Salin: Liu Kai