Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Lunes, Disyembre 12, 2016, kay Prawit Wongsuwan, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Thailand, sinabi ni Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, patuloy at matatag na umuunlad ang relasyong Sino-Thai, at mabunga rin ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Aniya, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, patuloy na lumalalim ang pragmatikong kooperasyon at pagpapalitan ng mga hukbo ng dalawang bansa.
Sinabi naman ng panig Thai na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Thailand at Tsina. Patuloy aniyang magsisikap ang panig Thai upang ibayo pang mapalakas ang pagtutulungan at pagpapalitan ng dalawang hukbo sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng