BEIJING--Kinatagpo Lunes, Disyembre 12, 2016, si Prawit Wongsuwan, dumadalaw na Unang Pangalawang Punong Ministro ng Thailand ni Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Tinukoy ni Li na nilagdaan ng Tsina at Thailand ang memorandum hinggil sa ibayo pang pagsasagawa ng kooperasyon batay sa kasalukuyang framework ng kooperasyon ng daambakal sa pagitan ng Tsina at Thailand.
Binigyan-diin din ni Li na ang pagpapalakas ng integrasyon ng kabuhayan ng Silangang Asya ay komong palagay ng iba't ibang panig. Kumakatig aniya ang Tsina sa nukleong katayunan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa kooperasyong panrehiyon, at nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon sa Thailand hinggil sa talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP)
Ipinahayag naman ng panig Thai na nakahanda ang Thailand na pasulungin ang mga proyekto ng konektibidad na kinabibilangan ng daambakal sa pagitan ng Thailand at Tsina. Aniya, ang RCEP ay isang mahalagang mungkahi na makakabuti sa Asya, at nakahanda ang Thailand na gumanap ng positibong papel para sa pagpapabilis ng progreso.
salin:lele