Idinaos nitong Lunes, December 5, 2016 sa Suvarnabhumi International Airport, Bangkok, ng Tourism Authority ng Thailand, ang seremonya bilang panalubong sa ika-30 milyong turistang dayuhan sa bansang ito.
Hanggang noong panahong iyon, ang kabuuang bilang ng mga turistang dayuhan sa Thailand sa taong ito ay lumampas sa bilang noong isang taon, na 29.88 milyon.
Ang nabanggit na ika-30 milyong turistang dayuhan ay isang 27-taong gulang na babae mula sa Guangzhou, Tsina.
Ayon naman sa pagtaya ng Tourism Authority ng Thailand, sa buong taong ito, kikitain ng bansang ito ang mahigit 1.6 trilyong Thai Baht o halos 45.5 bilyong dolyares mula sa mga turistang dayuhan. Ang bilang na ito ay lalaki ng halos 11.7% kumpara sa nagdaang taon.
Salin: Liu Kai