Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-5 ng Disyembre 2016, sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang patakarang "Isang Tsina," at mga saligang prinsipyo sa tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika ay mahalagang kondisyong pulitikal ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Tsino-Amerikano. Aniya, kapag iginigiit ang kondisyong ito, saka lamang magiging mas maganda ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Winika ito ni Lu, kaugnay ng mga aksyon at pananalita kamakailan ni bagong halal na Pangulong Donald Trump ng Amerika tungkol sa Tsina.
Sinabi rin ni Lu, na ang paninindigan at atityud ng Tsina sa mga may kinalamang isyu ay malinaw sa daigdig at panig Amerikano. Patuloy aniyang bibigyang-pansin ng panig Tsino ang patakarang tungkol sa Tsina ni Trump.
Salin: Liu Kai