Ipinahayag kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Disyembre 2016, ni Senador Aquilino Pimentel III, Senate President, na ang pag-aaproba sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) Agreement ay pinakamalaking bunga ng senado sa taong ito. Dahil aniya, ang pagsapi sa AIIB ay magdudulot ng mas maraming pondo sa Pilipinas para sa konstruksyon ng mga imprastruktura.
Sinabi naman kamakailan ni Roberto Tan, Treasurer ng Pilipinas, na humingi na ang bansa ng pautang sa AIIB, para sa mga proyekto ng rapid transit at pagpigil sa baha sa Manila. Umaasa aniya siyang tatanggapin ang 300 hanggang 500 milyong dolyares na pautang sa susunod na taon.
Salin: Liu Kai