Inaprobahan Disyembre 5, 2016 sa Mataas na Kapulungan ng Pilipinas ang Asian Infrastructure Investment Bank Agreement (AIIB Agreement), sa 20 pagsang-ayon at 1 pagtutol.
Ipinahayag ng panig Pilipino na bilang isang masusing proyekto ng kooperasyong panrehiyon, ang pagtatatag ng AIIB ay hindi lamang mapapasulong ang kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan ng Asya, kundi mapapalakas din ang kakayahan nitong harapin ang krisis na pinansyal at pagbanta mula sa labas ng rehiyon, na posibleng maganap sa hinaharap.
Noong Disyembre 31, 2015, bilang bansang tagapagtatag ng AIIB, nilagdaan ng Pilipinas sa Beijing ang AIIB Agreement. Tinanggap naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing agreement, noong Oktubre 19, 2016.