Nag-usap kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Disyembre 2016, sa Phnom Penh, sina Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Nagpalitan ng palagay ang dalawang lider hinggil sa pagpapalawak ng kalakalan at pagpapalakas ng kooperasyong panturismo ng dalawang bansa.
Iminungkahi ni Hun Sen na maaring mamuhunan ang mga kompanyang Pilipino sa industriya ng palay ng Kambodya, na sasaklaw sa pagtatanim, pagbili, at pagpoproseso. Tinanggap naman ni Duterte ang mungkahing ito, at umaasa siyang pag-aaralan ng dalawang panig ang kooperasyong ito sa lalong madaling panahon.
Pagkaraan ng pag-uusap, nilagdaan din ng dalawang panig ang mga Memorandum of Cooperation sa aspekto ng paglaban sa transnasyonal na krimen, kooperasyon sa yamang-tao, turismo, at palakasan.
Salin: liu Kai