Nag-usap sa Moscow, Disyembre 5, 2016 sina Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya at Perfecto Yasay, Kalihim ng mga Suliraning Panlabas ng Pilipinas.
Ipinahayag ng dalawang panig ang pag-asang ibayong palalawakin ang pagpapalitan sa pagitan ng mga departamento ng pamahalaan at parliamento, at pahihigpitin ang pagtutulungan nito sa kabuhayan, kalakalan, pagbawas sa kapahamakan, larangang militar at seguridad, pagbibigay-dagok sa terorismo at droga, at iba pa. Binigyang-diin din ng dalawang panig na hindi kailangang itatag ang aliyansang militar sa rehiyong Asya-Pasipiko.