Beijing, Biyernes, ika-15 ng Disyembre, 2016—Nag-usap sa telepono sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang French counterpart Jean-Marc Ayrault hinggil sa bilateral na relasyon at polisiyang "Isang Tsina."
Hinangaan ni Wang ang malinaw na paninindigan ni Ayrault sa polisiyang "Isang Tsina," at binigyang-diin niyang ang isyu ng Taiwan ay may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Sinabi niyang ang polisiyang "Isang Tsina" ay paunang kondisyon at pundasyon ng pagpapaunlad ng ibang bansa ng kani-kanilang relasyon sa Tsina, at walang eksepsyon ang alinmang bansa.
Inulit naman ni Ayrault na ang relasyong Sino-Pranses ay nababatay sa pagtitiwalaan at mutuwal na kapakinabangan. Aniya, ang polisiyang "Isang Tsina" ay may kinalaman sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, maging ng buong mundo. Pinahahalagahan aniya ng kanyang bansa ang kapayapaan at katatagan, at patuloy na gagawa ng positibong papel para rito.
Salin: Vera