Nagpulong kamakailan sa Xishuangbanna, lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina, ang mga kinatawan ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand, hinggil sa gawaing paghahanda para sa ikalawang yugto ng pagsasaayos ng agusan ng Lancang-Mekong River.
Ipinalalagay ng mga kinatawan ng apat na panig, na ang pandaigdig na kooperayon sa paglalayag sa Lancang-Mekong River ay mahalagang bahagi ng transport connectivity ng rehiyong ito. Sinang-ayunan nilang palakasin ang kooperasyon at koordinasyon, para buong husay na isagawa ang naturang proyekto ng pagsasaayos.
Mula noong 2002 hanggang 2004, isinagawa ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand ang unang yugto ng pagsasaayos ng agusan ng Lancang-Mekong River. Napabuti ang bahagi ng ilog na ito sa pagitan ng Tsina, Myanmar, at Laos.
Salin: Liu Kai