Publisher ng bagong pahayagan sa Catanduanes, pinaslang
NAPASLANG ang isang publisher ng pahayagan sa Catanduanes matapos lumabas ang kanyang isinulat na pumumuna sa mga opisyal ng pamahalaan sa pagkakatayo ng isang laboratoryo ng shabu sa lalawigan.
Namatay si Larry Que kanina matapos barilin ng mga nakamotorsiklong kalalakihan kahapon. Dadalawang linggo pa lamang ang kanyang pahayagang Catanduanes News Now at pumuna sa mga local government official sa kapabayaan at kahihiyang natamo ng pook matapos mabunyag ang laboratoryo ng shabu. Sinabi pa niya na ikang mga Tsinong ninirahan sa lalawigan ang tumulong sa kapwa Tsino sa pagtatayo ng laboratoryo.
Nangamba ang mga mamamahayag lalo na sa mga nag-ulat hinggil sa shabu laboratory na sinasabing pinakamalaki sa bansa.
Nakatanggap na rin ng babala o pananakot si Jinky Tabor, isang journalist at broadcaster matapos maging media witness sa pagsalakay ng pulisya sa laboratoryo.
1 2 3 4