|
||||||||
|
||
Tsina, nag-alok ng US$ 14 milyong halaga ng mga sandata sa Pilipinas
NAG-ALOK ang Tsina ng US$ 14 milyon halaga ng mga sandata at mabibilis na bangka ng walang kabayaran, upang matulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pakikidigma sa illegal na droga.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana hinggil sa naganap na pagdalaw ni Ambassador Zhao Jianhua sa Malacanang kagabi. Naglaan din ang Tsina ng halagang US$ 500 milyon bilang long-term soft loan para sa iba pang kagamitan.
Ani Secretary Lorenzana, nagbigay ang Tsina ng talaan ng mga kagamitan ng sandatahang lakas at pag-aaralan nila kung ano ang talagang mga pangangailangan ng Pilipinas.
Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na maaaring gumamit ang Pilipinas ng ilang small arms, fast boats at night vision googles sapagkat hindi naman kalakihan ang halagang US$ 14 milyon. Umaasa ang Pilipinas na makakamtan na ang mga kagamitang ito sa darating na Abril ng taong 2017.
Magugunitang nagbibigay ang America ng mga gastadong kagamitan sa Pilipinas sa loob ng dalawampiung taon. Mula noong 2002, nagbigay na ang Estados Unidos ng halos US$ 800 milyon halaga ng segunda-manong mga sandata, mangilan-ngilang barko't helicopter, mga radio, armoured vests, night fighting equipment.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |