Ipinalabas kamakailan ng pamahalaan ng Sao Tome and Principe ang pahayag na pumuputol sa diplomatikong pakikipagpalitan sa Taiwan. Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 21, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagpapahalaga sa desisyong ito na nagbabalik sa bansang ito sa tumpak na landas ng prinsipyong "Isang Tsina."
Sinabi ni Hua na bilang nukleong interes at may kaugnayan sa damdamin ng mga mamamayang Tsino, ang patakarang "Isang Tsina'" ay nagsisilbing paunang kondisyon at batayang pampulitika sa pagpapasulong ng mapagkaibigang pakikipagtulungan ng Tsina sa ibat-ibang bansa sa daigdig. Aniya, sa resolusyon bilang 2758 na pinagtibay sa Ika-26 na Pangkalahatang Asemblea ng UN noong Oktubre, 1971, ay tumiyak sa Republikang Bayan ng Tsina bilang tanging lehitimong pamahalaan ng nasyong Tsino. Aniya, tinanggap ito ng komunidad ng daigdig.