Iniabuloy kahapon, Biyernes, ika-16 ng Disyembre 2016, ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, ang 10 toneladang binhi ng hybrid rice sa mahigit 600 magsasaka sa lalawigang Aurora, na apektado ng mga bagyo nitong ilang buwang nakalipas.
Sa kanyang mensahe sa seremonya ng pag-aabuloy, na idinaos nang araw ring iyon sa Baler, Aurora, ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang pag-asang sa pamamagitan ng abuloy na ito, mapapahupa ang kahirapan ng mga mamamayang apektado ng kalamidad.
Ito ang ikalawang pag-aabuloy ng panig Tsino ng mga binhi ng hybrid rice sa mga magsasakang Pilipino na apektado ng mga bagyo. Nauna rito, iniabuloy nitong Miyerkules ng Konsulada ng Tsina sa Laoag ang 10 toneladang binhi sa 670 pamilya ng magsasaka sa Ilocos Norte.
Salin: Liu Kai