Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, handang isagawa ang joint oil exploration sa Tsina sa SCS

(GMT+08:00) 2016-12-22 15:10:19       CRI

Ayon sa mga mediang Pilipino nitong Martes, Disyembre 20, 2016, ipinahayag nitong Lunes ng gabi, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahandaan nitong isagawa kasama ng Tsina, ang joint oil exploration sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea. Inulit din niya ang kanyang pagtutol sa pagkakaroon ng hidwaan sa Tsina sa isyu ng pinagtatalunang teritoryo.

Sa isang seremonya ng paggawad ng gantimpala na idinaos nitong Lunes sa Office of the President (OP), sinabi ni Pangulong Duterte na inaasahang magkasamang gagalugarin at gagamitin kasama ng Tsina, ang yamang langis sa pinag-aawayang karagatan sa South China Sea. Ayon sa ABS-CBN, ang sinabing pinagtatalunang teritoryo ni Duterte ay karagatang nakapaligid ng Huangyan Island.

Ipinahayag din ni Pangulong Duterte na hindi isang magandang pagpili ang pagpapadala ng sundalo para "sakupin ang Huangyan Island." Aniya pa, sa kasalukuyan, isasantabi muna niya ang resulta ng arbitrasyon sa South China Sea, at hindi nito puwersahang ipapataw ang anumang bagay laban sa Tsina.

Ipinalalagay ng mga mediang Pilipino na ang mga nakikitang hakbang kamakailan ay nagpapakitang lumalapit ang Pilipinas sa Tsina. Ayon sa website ng ABS-CBN, sapul nang maupo sa poder si Duterte noong Hunyo, isinagawa niya ang di-katulad na atityud sa Tsina sa isyu ng South China Sea kumpara sa dating Pangulong Benigno Aquino III. Ito ang sanhi ng pagpapahupa ng tensyon sa relasyong Pilipino-Sino.

Ayon pa sa Reuters, ipinahayag nitong Martes ng Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas na magkakaloob ang Tsina ng mga libreng kagamitan sa Pilipinas na gagamitin sa pagbibigay-dagok sa drug crime at terorismo. Napag-alamang nagkakahalaga ng halos 14 milyong dolyares ang nasabing mga kagamitang kinabibilangan ng small arms, fast boats, at iba pa.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Liu Feng, iskolar na Tsino sa isyung pandagat, na ang pagsasagawa ng Tsina at Pilipinas ng joint oil exploration sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea, ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa, kundi naaangkop pa ito sa palagiang patakaran at paninindigan ng Tsina sa nasabing karagatan.

Tungkol naman sa pagkakaloob ng panig Tsino ng mga sandata sa Pilipinas, ipinahayag ni Liu na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at katapatan ng Tsina sa pagpapalalim ng kooperasyong Sino-Pilipino sa mga larangan. Ito aniya ay makakatulong sa pagpapalalim ng estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>