Binuksan nitong Sabado, Disyembre 17, 2016 ang SM Tianjin na makikita sa Binhai New Area malapit sa Tianjin Free Trade Zone. May sukat na 560,000 square meters, ito ang pinakamalaking SM Mall sa buong Tsina.
Ang SM Tianjin ang pinakamalaking mall ng SM sa Tsina. Parking space pa lang 8700 cars na ang pwedeng pumarada.
Nanguna sa soft opening si Hans Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings Inc.
Si Hans Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings Inc. ay nanguna sa soft opening ng SM Tianjin, pinakamalaki sa Tsina
Sa eksklusibong panayam ng China Radio International Filipino Service, sinabi ni Sy na halong galak at pananabik ang kanyang nararamdaman dahil di gaya sa Pilipinas na sikat ang SM, sa Tsina 2%-3% lang ng publiko ang nakakakilala sa kanyang chain ng supermalls. Ito ay hamon aniya, pero batay sa paunang bunga, maganda ang prospek ng kanyang pamumuhunan.
1 2 3 4