Kaugnay ng desisyon ng panig Amerikano hinggil sa pagpapaliban ng pagkakaloob ng makataong tulong sa Pilipinas, sinabi kahapon, Biyernes, ika-16 ng Disyembre 2016, ni Perfecto Yasay, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na kung totoong gustong magbigay-tulong ng Amerika sa Pilipinas, hindi dapat ilagay nito ang kondisyon sa tulong.
Nauna rito, sinabi kamakalawa ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas, na ipinasiya ng Millennium Challenge Corporation, isang ahensiyang itinatag ng Kongresong Amerikano para mamahala sa pagbibigay-tulong sa ibang bansa, na ipagpaliban ang mga tulong sa Pilipinas, dahil sa pagkabahala sa di-umanong "rule of law" ng Pilipinas at kalayaan ng mga mamamayan nito.
Kaugnay nito, dagdag ni Yasay, kung ginawa ng panig Amerikano ang naturang desisyon, para yumuko ang Pilipinas sa mga kahilingan nito, hindi ito tatanggapin ng panig Pilipino. Inulit din niyang dapat pakitunguhan ng Amerika ang Pilipinas, batay sa mutuwal na paggalang at pagkakapantay-pantay sa soberanya.
Salin: Liu Kai