Ipinahayag Disyembre 21, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na positibo ang Tsina sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig para pasulungin ang kalutasang pampulitika sa isyu ng Syria, para isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng bansang ito.
Nauna rito, narating ng Rusya, Iran at Turkey ang kasunduan hinggil sa pagpapalawak ng saklaw ng tigil-putukan, at pagbukas ng tsanel ng makataong tulong at daloy ng pagpalitan ng mga sibilyan sa Syria.
Ipinahayag ng 3 panig na nakahanda silang maging tagapag-garantiya at bigyan ng tulong ang Syria, para marating ang mga may-kinalamang pagkakasundo sa pagitan ng pamahalaan at oposisyon ng bansang ito.