Sinabi kamakailan ng report mula sa medya ng ibang bansa na ang Tsina ay pinanggagalingan ng mga droga sa Pilipinas.
Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 19, 2016 ng Malacanang, Palasyong Pampanguluhan ng Pilipinas na hindi ito totoo.
Samantala, ipinahayag naman Disyembre 21, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang naturang pahayag ng Pilipinas ay nagpapakitang lumalakas ang pagtitiwalaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ani Hua, mabibisang pagtutulungan laban sa droga ang kasalukuyang isinasagawa ng Tsina at Pilipinas. Positibo aniya ang Tsina sa pagbibigay-dagok ng pamahalaang Pilipino sa droga, at ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa Pilipinas sa usaping ito.