Inilabas kahapon, Huwebes, ika-22 ng Disyembre 2016, ng pamahalaan ng Tsina ang patakaran hinggil sa pagtasa sa mga hakbang ng mga lokal na pamahalaan sa konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal.
Ayon sa patakarang ito, tatasahan ang mga lokal na pamahalaan sa mga aspekto ng pangangalaga sa kapaligiran, paggamit ng mga yaman, pagtataguyod ng green growth, kasiyahan ng mga lokal na residente sa mga gawain ng pamahalaan, at iba pa.
Isasagawa bawat taon ang naturang pagtasa, at gagawin bawat limang taon ang isang final review.
Salin: Liu Kai