|
||||||||
|
||
SIEM REAP — Sa kanyang pagdalo sa Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), kinatagpo nitong Biyernes, Disyembre 23, 2016, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kanyang Thai counterpart na si Don Pramudwinai.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wang na ang kasalukuyang taon ay napakaespesyal na taon para sa Thailand. Ipinahayag aniya ng panig Tsino ang lubos na pakikidalamhati sa pagpanaw ni Haring Bhumibol Adulyadej, at binati nito na matatamo ng Thailand ang mas malaking pag-unlad sa pamumuno ng bagong Hari na si Maha Vajiralongkorn. Buong tatag na papanigan ng Tsina ang Thailand at tutulungan ito habang dinaranas ang mahirap na yugtong ito upang magkasamang mapasulong ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Thai.
Ipinahayag naman ni Don ang pasasalamat sa pakikidalamhati ng panig Tsino sa pagyao ni Haring Bhumibol Adulyadej. Hinahangaan din niya ang pagpapalagayang pangkaibigan sa pagitan ng panig Tsino at mga miyembro ng Thai Royal Family sa mahabang panahon. Aniya, buong tatag na kinakatigan ng Thailand ang "Belt and Road Initiative," at nakahanda itong palalimin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |