Ayon sa ulat kamakailan ng Immigration Bureau ng Thailand, 2 libong karagdagang tauhan ang ipinadala sa 5 malalaking paliparan sa Bangkok, Phuket, at iba pang lugar ng bansang ito, para palakasin ang seguridad.
Ayon sa naturang kawanihan, mula December 23 hanggang January 15 bawat taon, dumarating sa Thailand ang mas maraming dayuhang turista kumpara sa iba pang panahon. Kaya anito, kailangang dagdagan ang lakas-manggagawa, para palakasin ang seguridad at serbisyo sa mga paliparan.
Ayon pa rito, ang mga taong may kaduda-dudang identidad, o walang malinaw na layon sa pagpasok sa Thailand ang pangunahing target ng pagsusuri ng Immigration Bureau, at sila ay ilalakip sa entry blacklist ng Thailand.
Salin: Liu Kai