|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Aquilino Pimentel III, Senate President ng Pilipinas, na ang pag-aaproba sa "Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) Agreement" ay pinakamalaking tagumpay ng Senado sa kasalukuyang taon. Ito aniya ang magpapasimula sa "Golden Age" ng konstruksyon ng imprastruktura ng bansa, at makakatulong din sa sustenableng paglaki ng kabuhayang Asyano.
Ipinalalagay ng sirkulong pulitikal at komersyal ng Pilipinas na sa aspekto ng pagpapasulong ng sustenableng paglaki ng kabuhayang Asyano at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, napakahalaga ng katuturan ng AIIB. Samantala, bilang kasaping bansa ng AIIB, pasusulungin aniya ng Pilipinas ang konstruksyon ng imprastruktura ng bansa.
Sa bisperas ng kanyang state visit sa Tsina noong Oktubre, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilang bansang tagapagtatag ng AIIB, umaasa ang panig Pilipino na makakakuha ng mas maraming pondo. Winiwelkam at hinihikayat aniya ng Pilipinas ang pakikilahok ng mga bahay-kalakal at pondong Tsino sa konstruksyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |