BEIJING--Ipinahayag Lunes, Disyembre 26, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kapuwa nasa balikat ng Tsina at Amerika ang mahalagang pananaturan para sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan, at pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan ng daigdig. Aniya pa, mayroon ding malawak na komong interes ang dalawang bansa, kaya, ang kooperasyon ay ang tanging tumpak na pagpili ng Amerika at Tsina.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Ian Joseph Braeainski, dating Deputy Assistant Secretary of Defense for Europe and NATO Policy ng Amerika na ang pagiging magkalaban ng Amerika at Tsina ay hindi angkop sa interes ng Amerika, sa halip, ang pagkakaroon ng malalim na kooperasyon ng dalawang bansa ay angkop sa interes nito.
salin:Lele