Dating Budget Secretary Andaya at Gng. Napoles, kinasuhan
MAHAHARAP sa usaping plunder at iba pang usaping kriminal si dating Budget and Management Secretary Rolando Andaya, Jr., ang negosyanteng si Janet Lim Napoles at 23 iba pa dahil sa fund scam.
Isang mambabatas ngayon si G. Andya, si Gng. Napoles na sinasabing utak ng pork barrel scam at 23 iba pa ang nagsabwatan kaya't may kasong two counts ng plunder, 97 counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at 97 counts ng malversation through falsification of public documents.
Inilipat umano ng mga akusado ang may P900 milyon mula sa Malampaya na inilaan ng Department of Budget and Management sa Department of Agrarian Reform noong 2009 at sa kanilang iskema, ginamit ang 12 non-government organizations na pinamumunuan ni Gng. Napoles bilang padaluyan ng pondo.
1 2 3 4 5