Inilabas kahapon, Martes, ika-27 ng Disyembre 2016, ng Chinese Academy of Social Sciences at State Council Leading Group Office of Poverty Alleviation and Development, ang 2016 Report on Development-oriented Poverty Reduction.
Ayon sa ulat na ito, nitong mahigit 30 taong nakalipas, 790 milyong mahihirap na mamamayan ang nabawasan ng Tsina, at ito ay katumbas ng halos 70% ng populasyon ng mahihirap na nabawasan sa buong daigdig.
Sinabi rin ng ulat, na sa susunod na yugto, isasagawa ng Tsina ang mas ispesipikong mga hakbangin ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, para maisakatuparan ang target na aalisin ang lahat ng labis na mahihirap na mamamayan sa taong 2020.
Salin: Liu Kai