SA pagdating ng Bagong Taon, tumaas ang bilang ng mga nasugatan dala ng mga paputok at umabot na sa 90 hanggang kaninang umaga. Ito naman ang ibinalita ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag.
Mula sa tatlo hanggang 62 taong gulang ang mga nabiktima at 21 ang nagkaroon ng sugat sa kanilang mga mata. Karamihan sa mga biktima ay kalalakihan. May 52 ang nasugatan dahil sa ipinagbabawal na piccolo. Isa naman ang nakalunok ng paputok. Samantalang tumaas ang bilang mula sa 70 noong Lunes at naging 90 kanina, ipinaliwanag ni Dr. Tayag na mas mababa ito ng 39% mula sa 147 naiulat noong nakalipas na taon.