IPINANGAKO ni PNP Director General Ronald dela Rosa na mahaharap sa parusa ang mga magpapaputok ng baril sa darating na Bagong Taon. Kasama na sa kanyang binalaan ang mga alagad ng Philippine National Police.
Ang basta na lamang magpapaputok ng baril ay mahaharap sa mga itinatadhana ng batas.
Kanselado na ang bakasyon ng mga pulis at inatasang magpatrolya mula ika-lima ng hapon sa Disymebre 31 hanggang ika-lima ng umaga ng Bagong Taon.
Autorisado na rin ni General dela Rosa na pumasok sa loob ng tahanan sa oras na makarinig ng mga putok. Kasabay ito ng kanyang pahayag na hindi na magseselyo ng mga baril sapagkat nagtitiwala naman siya sa kanyang mga tauhan na hindi magpapaputok ng kanilang mga sandata.