INILIPAT na ng piitan ang high-profilem na bilanggong si Jaybee Sebastian dahil sa panganib sa kanyang buhay. Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Magugunitang inamin ni Sebastian sa pagsisiyasat ng Kongreso sa lakalalan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison. Doon umano nagsimula ang pagkakasalapi ni dating Justice Secretary Leila de Lima.
Nasaksak na si Sebastian sa isang riot sa loob ng piitan noong nakalipas na Setyembre.
Bagama't walang binabanggit sa ugat ng panganib sa buhay ni Sebastian, sinabi ni Secretary Aguirre na naiutos na niya ang masusing imbestigasyon. Saklaw si Sebastian ng Witness Protection Program. Nailipat na si Sebastian sa National Bureau of Investigation noon pang nakalipas na Martes ng gabi.