|
||||||||
|
||
Siem Reap, Cambodia — Pinasinayaan nitong Martes, Disyembre 27, 2016, ang serye ng selebrasyon sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Magkakasamang ipagdiriwang ng iba't-ibang kasaping bansa ang okasyong ito sa pamamagitan ng talakayan at palabas na kultural.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Wang Guoping, opisyal ng Departamento ng Asya ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong 25 taong nakalipas sapul nang maitatag ang dialogue relation ng Tsina at ASEAN, lumalalim ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang panig, at lumalawak din ang kanilang mapagkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan. Napakalaki aniya ng potensyal ng kooperasyong Sino-ASEAN. Tulad ng dati, patuloy na palalalimin ng panig Tsino ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN sa iba't-ibang larangan upang maisakatuparan ang komong pag-unlad, dagdag pa niya.
Sa kanya namang mensahe, lubos na pinapurihan ni Soeung Rathchavy, mataas na opisyal ng Cambodia sa mga suliranin ng ASEAN, ang natamong napakalaking tagumpay nitong 25 taong nakalipas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |