|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa naibunyag na tangka ng dating American Ambassador sa Pilipinas na si Philip Goldberg na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, bukas na nanawagan nitong Martes, Disyembre 27, 2016, si House SpeakerPantaleon Alvarez, sa Kongreso na isagawa ang imbestigasyon hinggil dito.
Ayon sa "Manila Times" nitong Martes, minsa'y detalyadong nagbalak si Goldberg tungkol sa kung paanong mapapatalsik sa puwesto si Pangulong Duterte. Isinumite rin niya ang planong ito sa Kagawaran ng Estado ng Amerika. Napag-alamang nanawagan si Goldberg sa pamahalaang Amerikano na gamitin ang mga pormang tulad ng lipunan, kabuhayan, pulitika, at diplomasya upang pilitin si Duterte na yumukod hangga't mapatalsik siya sa puwesto.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Alvarez na kung maging totoo ang kaukulang impormasyon, ito ay hindi lamang makakapagbigay ng grabeng epekto sa katatagang pulitikal, kabuhayan, at lipunan ng bansa, kundi magdudulot ng grabeng resulta sa relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |