Disyembre 1, 2016, Beijing-kinatagpo ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina ang dumadalaw na Punong Ministro ng Laos na si Thongloun Sisoulith.
Ipinahayag ni Pangulo Xi ang pag-asang ibayong mapapatibay ang mainam na bilateral na relasyong Sino-Laotian, para palawakin ang estratehikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pagtatatag ng "Belt and Road Initiative," at pagpapahigpit ng pagtutulungan sa pamumuhunan, enerhiya, imprastruktura, at iba pa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos para pahigpitin ang koordinasyon sa balangkas ng mga multilateral na mekanismong pangkooperasyong kinabibilangan ng Tsina-ASEAN, Lancang-Mekong River, UN, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Punong Ministrong Thongloun Sisoulith ang pasasalamat sa suportang ibinibigay ng Tsina sa pag-unlad ng Laos at sa panunungkulan ng Laos bilang tagapangulong bansa ng ASEAN. Nakahanda aniya ang Laos na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang koordinasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at ibayong pasulungin ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.