|
||||||||
|
||
Natapos Biyernes, Disyembre 16, 2016 ang tatlong araw na Central Economic Work Conference, pinakamahalagang taunang pulong hinggil sa planong pangkabuhayan ng Tsina.
Ipinasiya ng mga kalahok na lider at matataas na opisyal Tsino na ang katatagan ay magiging "basic tone" ng planong pangkabuhayan para sa taong 2017. Ipinangako nilang pasulungin ang substansyal na progreso sa repormang pang-estruktura sa suplay.
Si Pangulong Xi Jinping ng habang nagtatalumpati sa pulong
Mananangan din ang Tsina sa proaktibong patakarang piskal at matatag na patakarang pansalapi sa susunod na taon. Kasabay nito, pananatihin ng Tsina ang katatagan ng yuan, salapi ng bansa, at pasusulungin ang pleksibilidad ng mga exchange rates.
Si Premyer Li Keqiang habang nagtatalumpati sa pulong
Nakahanda rin ang pamahalaang Tsino na papasukin ang mas maraming puhunang dayuhan para mapasulong ang pag-unlad ng real economy.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |