Ang bagong pangkalahatang kalihim ng United Nations (UN) na si Antonio Guterres ay manunungkulan Enero 1, 2017.
Sa ngalan ng Tsina, muling ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbati kay G. Guterres sa regular na preskon sa Beijing, Biyernes, Disyembre 30, 2016.
Ipinahayg din ni Hua ang patuloy na pagkatig ng Tsina sa UN sa iba't ibang larangan na gaya ng seguridad, kaunlaran, lipunan, karapatang pantao, batas, arms control/disarmament, atbp, para mapasulong ang pandaigdig na kapayapaan at kaunlaran.
Bumisita kamakailan si Guterres sa Tsina at nakipagpalitan siya sa panig Tsino hinggil sa pag-unlad ng UN at pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at UN.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac