Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-25 ng Nobyembre 2016, sa Copenhagen, Denmark, ni Erik Solheim, Executive Director ng United Nations Environment Programme (UNEP), na nitong 10 taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kapaligiran, at ang mga karanasan ng Tsina ay karapat-dapat na tularan ng mga iba pang umuunlad na bansa.
Winika ito ni Solheim sa kanyang paglahok sa pulong ng UNEP hinggil sa sustenableng pag-unlad.
Positibo siya sa pagsisikap na ginawa ng Tsina para sa pagpapabuti ng kapaligiran at pagsasakatuparan ng sustenaleng pag-unlad. Lalung-lalo na aniya, ang pagpapaunlad ng Tsina ng transportasyong pampubliko at pagpapalaganap ng paggamit ng mga kotseng pinatatakbo ng koryente ay puwedeng tularan ng mga umuunlad na bansa sa Timog-silangang Asya at Aprika.
Ipinahayag din ni Solheim, na malaki ang papel ng mga pribadong bahay-kalakal ng Tsina para sa pangangalaga sa kapaligiran. Magbibigay-tulong aniya ang UNEP sa mga bahay-kalakal na Tsino na gumanap ng mas malaking papel sa aspektong ito.
Salin: Liu Kai