Ipinahayag kahapon ni Alexander Lukashevich, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na ang pagpapahaba ng Amerika ng sangsyon sa Rusya ay naglalayong muling likhain ang atmospera ng banta, hinding hindi babaguhin ng anumang sangsyon ang pundamental na paninindigan ng Rusya.
Ipinatalastas kahapon ng White House ng Amerika na patuloy na magkakabisa pagkatapos ng ika-6 ng buwang ito ang hakbangin ng sangsyon ng Amerika sa Rusya, at tatagal nang isang taon ang administratibong kautusan na ipinatalastas ni Pangulong Barack Obama noong ika-6 ng Marso ng nagdaang taon.
Salin: Vera