Ayon sa ulat ng National Council for Peace and Order ng Thailand, mula ika-29 hanggang ika-31 ng nagdaang Disyembre, 3 araw bago ang bakasyong Pambagong Taon, naganap ang 1961 aksidenteng trapiko sa buong bansa. 199 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, at 2099 naman ang mga nasugatan.
Sa panahon ng bakasyong Pambagong Taon, umuuwi sa probinsya o naglalakbay sa ibang lugar ang maraming Thai, at madalas na nagaganap ang mga aksidenteng trapiko. Ang mga pangunahing sanhi ng mga aksidente ay kinabibilangan ng pagmamaneho ng sasakyan nang lasing at pagmamaneho nang labis na mabilis.
Salin: Liu Kai