Disyembre 2, 2016--Ipinahayag ni Imad Hammis, Punong Ministro ng Syria na isasapubliko ng pamahalaan ng Syria ang plano ng rekonstruksyon ng Aleppo sa lalong madaling panahon.
Nang araw ring iyon, naglakgay-suri si Hammis at mga ministro ng Syria sa Aleppo. Sinabi ni Hammis na sinimulan na ang pagtasa sa kalagayan ng pagkasira ng Aleppo.
Sinabi naman ni Mohammed Ibrahim al-Shaar, Ministro ng Suliraning Panloob ng Syria na isinasagawa ng pamahalaan ang iba't ibang hakbang para maigarantiya ang seguridad ng Aleppo, at nang sa gayo'y, makabalik ang mga mamamayan at mapanumbalik ang normal na pamumuhuay sa lalong madaling panahon.
Ang Aleppo ay pinakamalaking lunsod ng Syria at noon naging sentro ng kabuhayan. Pero, sa panahon ng sagupaan sa pagitan ng tropang pampamahalaan at puwesang laban sa pamahalaan ng Syria, matindi ang pagkasira ng lunsod. Noong ika-22 ng Disyembre, 2016, ipinatalastas ng tropang pampamahalaan ng Syria nabawi nito ang kontrol sa lunsod.
salin:lele