Ipinatalastas kahapon, Miyerkules, ika-4 ng Enero 2017, ng panig militar ng Indonesya ang pagputol ng lahat ng mga kooperasyong militar ng bansang ito at Australya, dahil sa pang-iinsulto ng Australya sa limang saligang prinsipyo ng Indonesya para sa pagkakatatag ng estado.
Dagdag ng tagapagsalita ng panig militar ng Indonesya, bukod sa dahilang ito, ang mga nilalaman sa kooperasyong militar ng dalawang bansa na di-paborable sa Indonesya ay isa pang dahilan ng naturang desisyon.
Nauna rito, sa kanilang paglahok sa aktibidad ng pagpapalitang militar sa Australya, natuklasan ng mga opisyal militar ng Indonesya sa isang babasahin ng panig militar ng Australya ang mga nilalamang naninirang-puri sa limang saligang prinsipyo ng Indonesya para sa pagkakatatag ng estado.
Salin: Liu Kai