Sa "Tapatan sa Aristocrat" forum na idinaos kamakailan sa Maynila, isiniwalat ni Jose Sta. Romana, hinirang na Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na sa loob ng taong ito, bubuuin ng Pilipinas at Tsina ang isang bilateral na mekanismong konsultatibo, para lutasin ang mga sensitibong isyu, na kinabibilangan ng hidwaan sa South China Sea.
Ayon kay Sta. Romana, sa ilalim ng mekanismong ito, itatatag ng Pilipinas at Tsina ang isang grupo para hawakan ang hidwaan sa South China Sea, at ihiwalay ang isyung ito sa mga iba pang aspekto ng bilateral na relasyon, na gaya ng kabuhayan, pinansyo, kultura, edukasyon, palakasan, at iba pa. Sa gayon aniya, ang hidwaan sa South China Sea ay hindi magiging hadlang sa pagpapaunlad ng relasyong Pilipino-Tsino.
Aminado rin si Sta. Romana, na hindi kaagad na malulutas ang hidwaan sa South China Sea. Pero aniya, ang tensyong dulot nito ay puwedeng pahupain at angkop na kontrulin.
Salin: Liu Kai