Ipinatalastas Martes, Enero10, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Doris Leuthard, Tagapangulo ng Federal Council ng Switzerland, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Switzerland mula ika-15 hanggang ika-18 ng kasalukuyang buwan.
Sa panahong iyon, sa paanyaya naman ni Klaus Schwab, founder at executive chairman ng World Economic Forum (WEF), dadalo rin si Pangulong Xi sa taunang pulong ng WEF sa taong 2017.
Salin: Li Feng