Ipinalabas kahapon, Lunes, ika-19 ng Disyembre 2016, ng Chinese Academy of Social Sciences ang blue paper hinggil sa kabuhayan ng bansa. Anito, nananatiling makatwirang takbo ang kabuhayang Tsino, at hindi magaganap ang hard landing.
Ayon sa pagtaya ng blue paper, maisasakatuparan ang nakatakdang target ng paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong ito, at ang bolyum ay aabot sa 6.7%. Sa 2017 naman, mananatiling matatag ang takbo ng kabuhayan, at aabot sa 6.5% ang paglaki nito.
Iminungkahi rin ng blue paper, na sa susunod na taon, ang pagbabawas ng macro tax burden ay patuloy na magiging nukleo ng gawaing pangkabuhayan ng Tsina. Samantala, dapat palakasin ang proaktibong patakarang pinansyal, panatilihin ang medyo maluwag na patakarang pansalapi, at lubos na pag-ingatan ang mga panganib sa aspekto ng pinansyo.
Salin: Liu Kai