|
||||||||
|
||
Porum ng Transisyon ng Kabuhayang Tsino
Bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagpapasimula ng kooperasyon ng Asian Development Bank (ADB) at Tsina, idinaos sa Shanghai kamakailan ang Porum ng Transisyon ng Kabuhayang Tsino.
Si Chen Shixin, Puno ng Departamento ng Pandaigdigang Kooperasyong Pinansiyal ng Ministri ng Pinansiya ng Tsina
Ang porum na ito ay ginanap sa magkakasamang pagtataguyod ng Ministri ng Pinansya ng Tsina, ADB, at iba pa. Dumalo rito sina Takehiko Nakao, Puno ng ADB, Chen Shixin, Puno ng Departamento ng Pandaigdigang Kooperasyong Pinansiyal ng Ministri ng Pinansiya ng Tsina, at halos 300 opisyal, kinatawan, at kilalang iskolar galing sa kaukulang departamentong Tsino't dayuhan, at organisasyong pandaigdig.
Si Takehiko Nakao, Puno ng ADB
Sa kanilang keynote speech, ipinahayag nina Nakao at Chen na nitong 30 taong nakalipas, nagkakaloob ang ADB ng mahalagang pagkatig sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng iba't-ibang bansang Asyano na kagaya ng Tsina. Sa ilalim ng bagong kalagayan, patuloy na palalalimin ng ADB ang pakikipagkooperasyon sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng Tsina, ani Nakao.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |