Ayon sa manufacturing Purchasing Managers' Index (PMI) na ipinalabas kahapon, Linggo, January 1st 2017, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, patuloy na lumaki noong Disyembre, 2016 ang industriya ng manupaktura ng Tsina.
51.4 ang manufacturing PMI ng Tsina noong Disymbre 2016. Bagama't mas maliit ng 0.3 kumpara sa bilang noong Nobyembre, ito pa rin ang ikalawang pinakamataas noong isang taon. Ito rin ay nasa positibong bolyum na 50 pataas, nitong tuluy-tuloy na limang buwang singkad.
Ayon sa mga ekonomista, ang magandang bilang na ito ay nagpapakita ng matatag na tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at bunga ng isinasagawang supply-side reform ng bansa sa kabuhayan.
Salin: Liu Kai