Idinaos kahapon, Miyerkules, ika-11 ng Enero 2017, sa Maynila, ni Perfecto Yasay Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang news briefing hinggil sa panunungkulan ng Pilipinas bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sinabi ni Yasay, na isa sa mga pangunahing gawain ng Pilipinas ay nasa aspekto ng ASEAN Political-Security Community. Bibigyang priyoridad aniya ng Pilipinas ang rehiyonal na katiwasayan, katatagan, at kooperasyong panseguridad sa dagat.
Ani Yasay, bukod sa pagsisikap sa loob ng ASEAN, pasusulungin din ng Pilipinas ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina, para palakasin ang seguridad sa dagat.
Salin: Liu Kai