Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-9 ng Enero 2017, ni Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand, na grabeng sinasalanta ng baha na dulot ng pinakamalakas na ulan nitong 30 taong nakalipas ang katimugan ng bansa. Dagdag niya, pinapabilis na ng panig militar ang aksyong panaklolo sa mga binabahang lugar.
Ayon sa ulat ng Thai media, bagama't natapos na ang tag-ulan sa Thailand ilang linggo na ang nakaraan, malakas pa rin ang ulan sa timog na bahagi ng bansa. Nasawi sa kalamidad ang 21 katao, at apektado ang halos 1 milyong iba pa. Nagdulot din ito ng grabeng negatibong epekto sa turismo sa lokalidad.
Salin: Liu Kai